MALINAW na nilalabag ang bill of rights ng mga pasahero ang madalas na flight delays at cancellations ayon kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Aniya huwag ipilit na tanggapin ang sobrang mga booking ng pasahero.
Ito aniya sana ang tugon ng airlines para hindi magkaproblema gaya nalang ng kanselasyon ng flight schedules dahil sa kakulangan ng aircraft.
Dagdag problema pa aniya dito ang mahal na flight tickets.
Nagmimistula lang aniyang ninanais ng airlines na tumanggap ng pera mula sa mga pasahero subalit hindi naman naibabalik ang kaukulang serbisyo.
Malinaw na paglabag ito sa bill of rights ng mga pasahero.
Kaugnay nito, nananawagan na si Roque sa Department of Transportation (DOTr) na aksyonan na ito.
Hirit ni Roque sa ahensiya, wala na aniyang paki ito sa publiko kaya nangyayari ang ganitong uri ng problema.