Maddie Madayag at Jaja Santiago lilisanin na ang kanilang teams sa Japan SV.League

Maddie Madayag at Jaja Santiago lilisanin na ang kanilang teams sa Japan SV.League

LILISANIN na nina Maddie Madayag at Jaja Santiago ang kani-kanilang teams sa Japan SV.League.

Mula sa stint niya sa Kurobe Aqua Fairies nitong 2024–2025 season, posibleng magbabalik na rin si Maddie sa kaniyang PVL team na Choco Mucho Flying Titans.

Maaaring magkakaroon din ito ng iba pang opportunities abroad ngunit nauna nang inanunsiyo na hindi kasali si Maddie sa Asian Quota Draft ng 2025 Korean Volleyball League.

Samantala, mismong Osaka Marvelous ang nag-anunsiyo na aalis si Jaja sa kanilang team matapos ang dalawang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble