“Mag-aaral ang bata, hindi manggagawa” — DOLE, nanguna sa nationwide drive laban sa child labor

“Mag-aaral ang bata, hindi manggagawa” — DOLE, nanguna sa nationwide drive laban sa child labor

SA layuning wakasan ang child labor sa bansa, nanguna ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang nationwide information and service caravan bilang bahagi ng paggunita ng ahensya ng World Day Against Child Labor.

Bitbit ang mensaheng “Sa Bagong Pilipinas: Mag-aaral ang Bata, Hindi Manggagawa,” isinabay ng DOLE ang kampanya sa Kalayaan 2025 Job Fair, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor para maghatid ng tulong at serbisyo sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

Tuwing Hunyo 12, ipinagdiriwang sa buong mundo ang ‘World Day Against Child Labor’. Kasabay nito, matatandaang sinimulang ilunsad ng ilang regional office ng DOLE ang mga call to action bilang suporta sa kampanya.

Sa rehiyon ng CALABARZON, nagkaloob ng mga livelihood package sa mga magulang at tagapag-alaga, habang ang mga bata naman ay tumanggap ng school supplies, hygiene kits, at food packs sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Sa MIMAROPA, namahagi ng tulong ang DOLE sa mga batang dating sangkot sa child labor at kanilang mga pamilya.

Ayon sa ahensya, bahagi ito ng mas malawak na kampanya ng gobyerno para makamit ang child-labor-free Philippines.

Patuloy namang nananawagan ng DOLE sa publiko at mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan para matiyak na ang bawat batang Pilipino ay nasa paaralan — hindi sa trabaho.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble