TIMBOG ang mag-ama sa mahigit P1-M halaga ng iligal na droga.
Hindi na nakapalag pa ang mag-amang big-time drug pusher matapos na mahulog ito sa kamay ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operations nitong Lunes, dakong alas diyes ng hapon sa kahabaan ng Monte Piedad St., Corner EDSA Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City.
Ayon sa impormasyong nakuha ng QCPD Kamuning Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 10, kinilala ang mag-ama na sina Dean Dexter Bohol Bato, 26 years old; at ama nitong si Dexter Gelera Bato, 46 years old.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang pirasong violet plastic na may label na Ok Wookie na may lamang 6 na piraso ng transparent plastic sachet na hinihinalang shabu, isang buy bust money na 1,000 pesos kasama ang 200 na piraso ng boddle money na tig-1K piso.
Narekober din sa dalawa ang isang cellphone, motorsiklo, digital weighing scale, sling bag.
Samantala, naglalaro sa 150 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad na may street value na 1 million and 20 pesos.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Kamuning Police Station ang dalawa para sa proper documentation and disposition at pagkakaso dahil sa paglabag sa RA 9165.
Agad na pinuri ng National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PM Gen. Edgar Allan Okubo ang mga operatiba kasabay ng pangakong mailayo ang publiko sa masamang gawain at kriminalidad lalo na sa iligal an droga.