Mag-asawang Rosal hindi pa pwedeng alisin sa pwesto bilang gobernador at mayor sa Albay –COMELEC

Mag-asawang Rosal hindi pa pwedeng alisin sa pwesto bilang gobernador at mayor sa Albay –COMELEC

NILINAW ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na hindi pa maaring alisin sa pwesto ang mag-asawa na sina Albay Governor Noel Rosal at Legazp City Mayor Carmen Geraldine Rosal.

Ito ay kahit na pinadidiskwalipika na sila ng magkahiwalay na dibisyon ng COMELEC dahil sa umanoy paglabag sa spending ban.

Punto ni Laudiangco ang desisyon ng First Division kay Albay Governor Noel Rosal at ang desisyon ng Second Division kay Mayor Carmen Geraldine Rosal ay hindi pa pinal at executory.

Aniya kailangan munang magkaroon ng certificate of finality, entry of judgment, at writh of execution bago sila tuluyang mapatalsik sa pwesto.

Sinabi naman ni Laudiangco na naghain na ng Motion for Reconsideration (MR) si Noel Rosal habang inaasahan naman ng komisyon na sa loob ng 5 araw ay ang asawa naman nito ang maghahain ng MR.

Ang MR ay didinggin ng COMELEC En Banc at saka sila ulit magpapalabas ng panibagong desisyon.

 

Follow SMNI News on Twitter