Mag Negosyo Ta Day, isa sa mga flagship programs ng OVP

Mag Negosyo Ta Day, isa sa mga flagship programs ng OVP

ANG Mag Negosyo Ta Day (MTD) ay isang programang pinasimulan ni VP Inday Sara Duterte noong sya ay alkalde pa ng Davao City noong 2012.

Layunin ng program ito na matulungan ang mga kababaihan na nagdanas ng kahirapan at maging pantay sa sektor na lipunan.

Sa pagsisilbi ngayon ni Inday Sara bilang Bise Presidente, ay pinalawak niya ang saklaw ng programa para maging accessible sa mga tao, hindi lang sa mga kababaihan maging sa ibat ibang sektor kagaya ng LGBTQI.

Matatandaan din unang naging benepisyaryo ng MTD ay ang ‘Makabagong Ina sa Kababaihan tungo sa Asenso (MIKA) na inilunsad sa San Pedro Laguna na naging miyembro pa ang ating Pangalawang Pangulo.

Sa pamamagitan ng Mag Negosyo Ta Day (MTD), marami ang natutulungan na mga individual na makapagsimula muli at nadagdagan ang kanilang puhunan, dahil ang bawat isa ay may existing tulad ng sari-sari store, vegetable vending, milk tea, fishermen, at snack house.

Sa tulong ng programang MTD ay nabibigyan ang mga beneficiaries ng karagdagang puhunan para mas mapalawak at mapaunlad pa ang kanilang mga negosyo.

Ang MTD ay isa sa mga flagship programs ng OVP na may layuning magbigay ng entrepreneurial opportunities sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter