MATAPOS ang ilang taon na isinara ng Sabah Tourism Board ang mga tourist spot, muling dinagsa ng mga dayuhang turista ang mga pasyalan partikular na ang ilang isla sa Kota Kinabalu sa Sabah, Malaysia.
Ang Sabah, Malaysia ay napapaligiran ng magagandang karagatan kaya naman ang mga dayuhang turista ay nabibighani sa lugar.
Isa ang AirAsia Phillipines ang nangungunang airlines sa Pilipinas ang may flight patungong Kota Kinabalu mula Manila.
Ito’y dahil sa mga turista na pumapasok at lumalabas sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.
Kilala ang Sabah, Malaysia na mayaman sa ecotourism kaya naman hindi maikakaila na maraming dayuhang turista ang dumadayo dito.
Bukod sa Kinabalu Park, maipagmamalaki rin ang mayamang karagatan nito.
Ang JSK Borneo Reef Pontoon ang pinakamalaking water platform sa South East Asia.
Sa dagat na ito maraming aktibidad na maaaring gawin sa lugar kagaya na lamang ng sea walking.
Mayroon din ditong snorkeling, kayaking, at maging ang diving, makikita ang iba’t ibang uri ng isda at iba pang laman dagat.
Puwede rin gawin ang team building at games sa lugar.
Kung hindi mo naman gusto mabasa ng tubig, puwede mo pa rin ma-enjoy at makita ang iba’t ibang uri ng isda sa pamamagitan ng kanilang underwater bridge.
Maaari din magpunta sa Manukan Island ilang minuto sakay ng motor boat para ituloy ang pag-enjoy sa dagat.
Ang Manukan Island ang isa sa pinakasikat sa Kota Kinabalu.
Ang nasabing isla ang pangalawang pinakamalaking isla sa Tunku Abdul Rahman National Park, ang unang marine national park ng Malaysia.
Ito ay matatagpuan sa East Malaysian state ng Sabah, sa baybayin lamang ng Kota Kinabalu.
Ang Manukan Island ay may ilang magagandang kahabaan ng mga dalampasigan sa katimugang baybayin.
Marami ring mga kainan at tindahan na puwedeng puntahan.
Para sa mga gustong bumisita sa Sabah, Malaysia, mag-book ng inyong flight mula Manila patungong Kota Kinabalu at gamitin ang AirAsia super app hashtag #airasiasuperapp.ph, #AirAsiainkotakinabalu para sa mga exciting promo, mula sa low cost airfare at mga hotel partners nito.