ISANG buwan nang ipatutupad ang magdamagang libreng sakay sa EDSA busway.
Sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr), magiging epektibo na ang 24/7 na libreng sakay sa EDSA busway sa Disyembre 1, 2022.
Magtatagal naman ito hanggang sa Disyembre 31, 2022.
Layon ng libreng sakay na matulungan ang mga commuter ngayong Christmas rush.
Sa unang anunsyo ng DOTr, ipatutupad lamang sana ito simula Disyembre 15-31, 2022.