Magiging benepisyaryo ng FSP, kailangang magkaroon din ng trabaho

Magiging benepisyaryo ng FSP, kailangang magkaroon din ng trabaho

KAILANGANG maisama sa labor-capacity building ang magiging mga benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP) ng Marcos admin.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Edu Punay, ito’y para mabawasan ang kanilang pagdedepende sa tulong mula sa pamahalaan.

Plano na ng pamahalaan aniya na mai-enroll ang benepisyaryo sa training programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng kanilang attached agency at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa ganitong paraan ay maiiwasan na mangyari din sa programa ang nangyari sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa ulat, karamihan sa beneficiaries ng 4Ps ay ayaw umalis kahit malapit na itong mag-graduate sa programa.

Samantala, magsisimula ang pilot run ng FSP ngayong Hulyo hanggang Disyembre sa malalayo, mahihirap, at dinaanan ng kalamidad na mga lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter