Magiging benepisyaryo ng FSP, kailangang magkaroon ng trabaho—DSWD

Magiging benepisyaryo ng FSP, kailangang magkaroon ng trabaho—DSWD

KAILANGANG maisama sa labor-capacity building ang magiging mga benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP) ng Marcos admin.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Edu Punay, ito’y para mabawasan ang kanilang pagdedepende sa tulong mula sa pamahalaan.

Plano ng pamahalaan aniya, mai-enroll ang benepisyaryo sa training programs ng Department of Labor and Employment (DOLE), kanilang attached agency, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa ganitong paraan ay maiiwasan din mangyari sa programa ang nangyari sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) program.

Sa ulat, karamihan sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay ayaw umalis kahit malapit na itong mag-graduate sa programa.

Samantala, magsisimula ang pilot run ng FSP ngayong Hulyo hanggang Disyembre sa malalayo, mahihirap, at dinaanan ng kalamidad na lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter