Magkahiwalay na elevated expressway inaasahang itatayo sa EDSA at C5

Magkahiwalay na elevated expressway inaasahang itatayo sa EDSA at C5

INAASAHANG itatayo sa kahabaan ng EDSA at C5 ang dalawang elevated expressway upang maibsan ang mabagal na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ang kompanyang Avenza ay nagsagawa na ng groundbreaking ceremony kamakailan para sa nasabing mega project na aaprubahan pa lang ng pamahalaan.

May apat na palapag ang EDSA at C5 elevated expressway.

Aabot sa 30 km ang haba ng elevated expressway EDSA mula Valenzuela hanggang Parañaque na may 12 lanes kada palapag.

C5 Elevated Expressway

Valenzuela – Parañaque

30 kilometers

4 storeys

12 lanes

Nasa 30.1 km naman ang haba ng elevated expressway sa C5 na magdudugtong sa NLEX at SLEX. Inaasahan na ito ay magkakaroon ng 10 lanes per level.

Edsa Elevated Expressway

NLEX – SLEX

30.1 kilometers

4 storeys

10 lanes

Ayon kay Alfredo Garin, project engineer at author ng proyekto, sa ngayon ay hindi pa inilalahad ng kompanya kung magkano ang magiging gastos para sa dalawang malaking proyekto ngunit hindi naman ito dapat ikabahala dahil mayroon namang investors na nakahandang gumastos para dito.

“Let me express this to the public that this summary concept of this 4 elevated expressway Maharlika, C5, and EDSA is 62-km all total length that can accommodate 48 million vehicle a day when it becomes operational…The component of this concept in order to make this project working without any delay so we required that we need Congress to pass the emergency power of the President to sustain the 5 years program implementation without any intervention,” pahayag ni Garin.

Ang konstruksyon ng imprastraktura ay agad uumpisahan ng Avenza kapag na-award na sa kanila ng pamahalaan ang proyekto.

Inaasahang kayang i-accommodate ng kauna-unahang elevated expressway ang nasa 40 million na sasakyan kada araw.

BASAHIN: Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinalawig ni Pangulong Marcos; Mga estudyante, may libreng sakay sa mga linya ng tren

Follow SMNI News on Twitter