NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Abril 9, 2024 ang nasa P34-M na halaga ng shabu sa Malabang, Lanao del Sur.
Ang suspek na nahuli para dito ay sinasabing nasa likod ng kalakalan ng ilegal na droga sa Cotabato City, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Cotabato Province.
Nasa P6.8-M naman ang nasabat sa Zamboanga City mula sa isang drug convict at kaniyang kasabwat sa harap ng San Ramon Prison and Penal Farm (SRPF) sa Brgy. Talisayan.
Ang drug convict na mula sa SRPF ay mayroong “living out” status.