NAGDULOT ng mabagal na daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA Guadalupe Tulay Northbound kanina ala-una ng madaling araw dahil sa nangyaring banggaan ng tatlong sasakyan kabilang ang isang kotse, isang dump truck at tanker.
Sa hindi kalayuan, sa bahagi ng Crossing Ilalim, EDSA Northbound, isa pang banggaan ang namataan sa pagitan ng isang kotse, isang closed van, at isang motor.