BUMISITA ang mga atleta ng Alas Pilipinas National Men’s and Women’s Teams sa Senado nitong Lunes upang kilalanin ang mga Cayetano sa kanilang pagtataguyod at pagsuporta sa volleyball sa Pilipinas.
Malaki na ang naging papel ng mga Cayetano sa pagdadala ng mga internasyonal na kompetisyon sa bansa. Matapos mag-host ng semifinals leg ng Men’s Volleyball Nations League (VNL) noong Hunyo ngayong taon, ang Pilipinas ay nakatakdang mag-single-host ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship sa Setyembre sa susunod na taon, na inaasahang hahatak ng volleyball fans mula sa buong mundo.
“I really mean this from the bottom of my heart, you inspire us,” wika ni Senador Alan sa mga atleta sa isang pribadong miting sa Senado nitong September 9, 2024.
“(Philippine National Volleyball Federation President Ramon) Sir Tats (Suzara) and to all the officers, it’s really a privilege for Ate (Senator Pia) and I to share in your victories. Pero sana alam niyo na nakaka-inspire kayo. Keep pushing us,” dagdag pa niya.
Sa plenary session noong parehong araw, pinarangalan ang 24 na atleta mula sa National Men’s and Women’s Teams sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 1182 at 1183 na inihain nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano na kapwa tagasuporta ng volleyball sa bansa.
Pinuri ng resolusyon ang mga koponan para sa kanilang namumukod-tanging laro at magkakasunod na bronze medal na panalo sa 2024 Men’s Southeast Asian Volleyball League, 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup, at 2024 Women’s Southeast Asian Volleyball League.
“We are proud to have them here today. These are the athletes who are ushering in the golden age of volleyball in our country. God bless you! We look forward to many times na i-honor kayo ng bansa,” wika ni Senador Alan Peter, na kasalukuyang PNVF Chairman Emeritus sa session floor.
Ito naman ang sinabi ni Senador Pia, na dating manlalaro ng volleyball national team at isang tagapagtaguyod ng sports:
“We asked the athletes to be present today so they know that many of us here are big supporters of the budget of sports in the Philippines. I need them to know and understand that we believe that sports is one of the pillars for development in our country.”
Bilang pagkilala sa pambihirang tagumpay ng mga koponan, nagbigay ang magkapatid na senador sa bawat manlalaro ng P100,000 cash incentive sa isang pribadong seremonya sa Senado.
Anila, simbolo ito ng kanilang pangako sa pagsuporta sa mga pambansang atleta at pagpapayaman sa lumalagong katanyagan ng volleyball sa bansa.
Binigyang diin din ng mga senador ang pangangailangan ng patuloy na suporta at pag-unlad para sa mga pambansang koponan sa palakasan.
“Their achievements are a significant contribution to the country’s sports history, inspiring a new generation of athletes to strive for excellence in their respective fields,” wika ng mga Cayetano.