NAARESTO na ang magkapatid na Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani, ang presidente at corporate secretary ng Pharmally.
Kahapon, November 14 nang nangyari ang pag-aresto sa Davao International Airport.
Mga Senate security personnel ang syang nakaaresto nito ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Rene Samonte.


Kasalukuyan nang naka-detain si Mohit at Twinkle Dargani sa Senado.
Una nang na-cite in contempt at ipinade-detain sa Senate premises ang dalawa dahil sa patuloy nilang pagtanggi na isumite ang mga hinihinging dokumento ng komite.
Patungkol ang mga dokumento sa iniimbestigahan ng komite na iregular na pagbili ng medical supplies ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Pharmally.