Magkapatid na Ravena, kasali sa Gilas para sa susunod na World Cup Qualifiers

Magkapatid na Ravena, kasali sa Gilas para sa susunod na World Cup Qualifiers

KASALI na ang Japan B. League players na sina Dwight Ramos, Kiefer at Thirdy Ravena sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong Nobyembre.

Kinumpirma ito mismo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) matapos din nitong ilabas ang listahan ng pro at amateur players na imbitado upang lumahok sa weekly training ng Gilas.

Ayon sa SBP, inimbitahan din ang UAAP standouts na sina Angelo Kouame ng Ateneo, Carl Tamayo ng University of the Philippines, at Kevin Quiambao.

Pangungunahan naman nila June Mar Fajardo at CJ Perez ng San Miguel at si Scottie Thompson ng Ginebra ang National Team Pool.

Hindi pa naman makakalahok ang mga Ravena, si Ramos at si Jordan Heading sa training ng Gilas dahil sa magsisimula na ang Japan B. League sa mga susunod na linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter