NANAWAGAN ngayon si Bataan Rep. Geraldine Roman sa mga kapwa niya mambabatas na ipasa ang Magna Carta for Agricultural Workers.
Ayon sa mambabatas, hindi lamang agri workers ang makikinabang nito kundi pati na ang ekonomiya ng bansa.
Ani Roman, panahon na para unahin ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda lalo na’t ang mga ito ang sektor na nananatiling mahirap.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PPA), nananatiling ‘impoverished’ o mahirap ang nabanggit na sektor, bagay na dapat tutukan ng pamahalaan.
“It is highly unacceptable that farmers and fisherfolks are still barely surviving despite us being considered an agricultural country,” ani Roman.
Sa ilalim ng isinusulong na panukala, ang farmers at fisherfolks ay isasailalim sa Kadiwa Program at magkakaroon ng farm-to-market roadmap para sa ani ng mga magsasaka.