LUSOT na sa House Committee on Overseas Workers Affairs ang panukalang batas na magtatatag ng Magna Carta for Seafarers.
Ayon sa chairman ng komite na si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, bunga ito ng ilang buwan nilang dayalogo at pakikipatulungan sa iba’t ibang sektor para tugunan ang pangangailangan ng maritime sector.
Tutugunan ng Magna Carta ang kakulangan sa training ships ng mga kadete at ang pagkumpleto sa shipboard training ng mga ito pati na ang pagpasok ng Maritime Higher Educational Institutions sa mga kasunduan sa shipowners para sa cadet training.
Tutugunan din nito ang compliance ng bansa sa International Convention on Standards of Training sa mga Pinoy seaman para makuha ang pinagagawa ng European Maritime Safety Association (EMSA).
Pati na ang regulation sa training fees ng mga kadete lalo na’t mataas ang singil sa kanilang shipboard training.
“This Magna Carta will go a long way in solving a myriad of issues with the Philippine maritime sector,” ani Salo.
Aakyat na sa plenaryo ang panukala para pagdebatehan sa plenaryo sa 2nd reading at 3rd reading.