Magnegosyo Ta Day Distribution, isinagawa sa Caraga Satellite Office, Butuan City

Magnegosyo Ta Day Distribution, isinagawa sa Caraga Satellite Office, Butuan City

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang bagong Office of the Vice President (OVP) Caraga Satellite Office sa bago nitong lokasyon sa Butuan City noong Nobyembre 21, 2024.

Dito ibinahagi ng OVP ang programang MagNegosyo Ta ‘Day sa isang asosasyon sa naturang probinsiya.

Sa ilalim ng programang ito, nagbibigay ng dagdag-kapital ang OVP sa mga indibidwal at sektor upang mapalago ang kanilang mga negosyo at pangkabuhayan.

Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng financial literacy sa mga benepisyaryo upang lalo nilang mapayabong ang kanilang kapital at negosyo.

Muli ay nagpapasalamat si VP Sara sa mga bumubuo ng OVP-Caraga Satellite Office sa serbisyo na kanilang ibinibigay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble