Magnificent 7, hindi makikisa sa tigil-pasada

Magnificent 7, hindi makikisa sa tigil-pasada

HINDI makikiisa sa tigil-pasada ang Magnificent 7 na binubuo ng mga transport group operator na nakatakdang isagawa sa Hulyo 24-26.

Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang  pagpupulong kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Atty. Romando Artes at iba pang opisyal ng ahensiya.

Pinasalamatan naman ng MMDA ang  commitment na ito ng transport groups.

Sabi naman ni Artes, regular ang konsultasyong ginagawa ng MMDA sa hanay ng mga transport groups anuman ang polisiyang ipatutupad ng ahensiya.

Ito ay dahil ani Artes, sila ang katuwang ng MMDA sa kaayusan ng kalsada.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter