NIYANIG ng magnitude 4.0 na lindol ang Ilocos Norte, 01:14 kaninang madaling araw, Mayo 23, 2025.
Sentro ng pagyanig ang bayan ng Pasuquin ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Wala namang naitalang pinsala mula sa naturang pagyanig.
Samantala, magnitude 3.7 na lindol naman ang naranasan sa Leyte, Leyte kaninang 12:01 ng hatinggabi.