NIYANIG ng 5.1 na lindol ang Davao Occidental at karatig na mga lalawigan nito ngayong 4:08 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng lindol na tumama sa 118 kilometrong timog-silangan ng bayan ng Jose Abad Santos na may lalim na 91 kilometro.
Naitala sa General Santos City at Koronadal City sa South Cotabato ang Instrumental Intensity I kabilang ang Alabel at Kiamba sa Sarangani.
Inaasahang may aftershocks ngunit wala namang naging pinsala sa nasabing lindol.