NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental bandang 7:30 kaninang umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs).
Namataan ang epicenter ng lindol sa layong animnapu’t isang (61) kilometro timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental, na may lalim na apatnapung (40) kilometro at tectonic ang naitalang pinagmulan nito.
Samantala, ilang bahagi ng Mindanao ang nakaramdam din ng pagyanig na may Intensity II. Kabilang dito.
Mga lugar sa Mindanao na nakaramdam ng pagyanig:
INTENSITY II
Matanao, Davao del Sur
Malungon, Sarangani
Alabel, Sarangani
General Santos City
INTENSITY I
Magsaysay, Davao del Sur
Nabunturan, Davao de Oro
Kiamba, Sarangani
Koronadal City, South Cotabato
Ayon sa PhiVolcs, mababa ang posibilidad ng pinsala sa mga istruktura, ngunit inaasahan pa rin ang mga aftershock nito kaya paalala ng ahensya, mag-ingat ang lahat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo.