Magnitude 5.4 na lindol, niyanig ang Fukushima at Ibaraki Prefectures

Magnitude 5.4 na lindol, niyanig ang Fukushima at Ibaraki Prefectures

ISANG magnitude 5.4 na lindol ang yumanig sa Ibaraki at Fukushima Prefecture maging sa ibang parte ng Japan kaninang umaga.

Ayon sa meteorological agency, ang lindol ay naitala kaninang alas 8:00 ng umaga at mas mababa ng lima sa seismic intensity scale ng Japan na pito sa Hilagang Ibaraki.

Ang lindol ay unang naramdaman sa inland na parte ng Fukushima na may lalim na siyamnapu’t tatlong kilometro.

Ayon sa East Japan Railway Co. ang pagyanig ay nagdulot ng emergency stop sa Tohoku Shhinkansen Services para masiguro ang kaligtasan.

Wala namang abnormalidad na natukoy sa Tokai No. 2 Atomic Power Station sa coast ng Ibaraki Prefecture maging sa Fukushima No. 1 at 2 nuclear power plant.

Ayon naman sa gobyerno walang matinding pinsala na naitala sa naging pagyanig.

Follow SMNI NEWS in Twitter