INIULAT ni Calatagan, Batangas Mayor Peter Oliver Palacio na walang gaanong naging pinsala ang probinsya nito mula sa magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa kaniyang nasasakupan ngayong araw.
Sinabi ni Palacio na agad na ipinadala ang Municipal Engineering Team upang tignan ang municipal hall at iba pang mga gusali doon.
Aniya, nanatiling bukas ang mga opisina ng pamahalaan sa probinsya at ilang eskuwelahan din ang nagsuspinde na ng klase nito.
Bukod dito ay nagpadala na rin ng team ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang tingnan ang mga apektadong lugar, ari-arian at mga residente nito.
Wala namang naiulat na namatay o nasaktan ng dahil sa lindol.