NIYANIG ng magnitude 6.3 na lindol ang probinsiya ng Batangas ngayong araw ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Base sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng pagyanig apat na kilometro timog kanluran ng Calatagan na may lalim na 103 kilometro.
Naramdaman din ang Intensity 4 na pagyanig sa Quezon City, Manila, Mandaluyong, Valenzuela, Bulacan, Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu at Talisay Batangas, Dasmariñas, Tagaytay Cavite at Tanay, Rizal.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ang pinsalang dulot ng paglindol at inaasahan din ang aftershocks nito.