Magnitude 6.6 na lindol, nag-iwan ng malaking pinsala sa Masbate

Magnitude 6.6 na lindol, nag-iwan ng malaking pinsala sa Masbate

NAG-iwan ng malaking pinsala ang Magnitude 6.6 na lindol na tumama sa bayan ng Cataingan sa Masbate.

Batay sa kuha ng Masbate Provincial Bureau of Fire and Protection, makikita ang gumuho at nasirang mga bahayan.

Nasa 27 naman ang naitalang sugatan na nilalapatan ng paunang lunas habang isa naman ang nasawi.

Ilang gusali rin ang napinsala sa Cataingan dahil pagyanig.

Kabilang dito ang public attorney’s office, old at new Cataingan Public Market, Cataingan Municipal Police Station, concrete road at docking area ng Cataingan Port.

Kaugnay nito, tinaguriang pinakamalakas na lindol simula noong 2003 ang tumamang pagyanig sa ilang bahagi ng Masbate.

Samantala, ang Magnitude 6.6 na lindol ang bayan ng Cataingan, Masbate ay sanhi ng pagkilos ng Philippine fault zone sa Masbate segment.

Ito ang naging paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum matapos ang malakas na pagyanig.

Ayon kay Solidum, ang huling pagkilos ng fault ay noon pang taong 2003.

Wala naman aniyang mangyayari na tsunami dahil ang pagkilos ng fault ay horizontal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.