DINOMINA ng Magnolia ang Northport sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum upang putulin ang winning streak ng Batang Pier na nagtapos sa iskor na 129-109.
Ayon kay Magnolia Coach Chito Victolero, noong unang bahagi ng laro ay bigo silang maka-iskor ngunit mabuti na lamang ay nagawa nilang makarekober at madomina ang Batang Pier.
Pinangunahan ni Antonio Hester ang hotshot sa panalo nito na nakapagtala ng double-double performance na 28 points at 14 rebounds.
Nag-ambag naman si Mark Barroca ng 21 points at nakapagbigay naman ng tag 19 at 18 points sina Rome dela Roza at Calvin Abueva.
Dahil sa panalong ito, mayroon nang 5-4 win-loss record ang hotshots at sapat na ito para magkaroon ng puwesto sa quarterfinals.