Magsasaka arestado ng PDEA Region VIII, PNP sa kalakaran ng ilegal na droga

Magsasaka arestado ng PDEA Region VIII, PNP sa kalakaran ng ilegal na droga

MATAGUMPAY ang ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO VIII at PNP.

Ito ay sa pamamagitan ng PNP Javier Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj. Ronald A. Puso T. PDEA Region VIII- RSET Regional Special Enforcement Team na si IAI Raymond Gidal na isinagawa nitong Hulyo 16, 2024 sa lugar ng Brgy. 91 Andrew Boniface Javier, Leyte.

Nasamsam sa drug operation ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may 0.54 grams na nagkakahalaga ng P500.

Anim na piraso pang small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu nasa 3.24 gramo na may tinatayang halagang P22,032.

Bukod sa shabu may nakuha ring mga baril, cellphone, sasakyan, at iba pa.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Rodman Aurelia, 23-anyos, magsasaka ng Andrew Boniface, Xavier, Leyte.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble