Magulo ang bansa kung mananalo si BBM o Leni – Pacquiao

Magulo ang bansa kung mananalo si BBM o Leni – Pacquiao

MAGIGING magulo ang bansa kapag manalo ang dalawang kandidato na nangunguna sa pre-election surveys.

Ito ang patutsada ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang mga kalaban sa pagka pangulo bagama’t hindi nito pinangalanan.

Ayon kay Pacquiao, magiging magulo ang bansa dahil hindi papayag ang kabilang grupo na ang isa ang maluluklok sa pwesto.

Sinabi pa nito na ito ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino.

Iprinisenta naman nito ang sarili bilang alternatibong kandidato at siya aniya ang nagsisilbing rebolusyon para sa mga mahihirap.

Umapela rin si Pacquiao sa mga botante na huwag siyang ikumpara sa ibang presidential aspirants.

Kung mananalo naman ito ay agad nitong ipatutupad ang proyektong pabahay para sa mga nangangailangang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter