Mahabang curfew hours ipapatupad sa Caloocan City

Mahabang curfew hours ipapatupad sa Caloocan City. Inilabas ni Mayor Oscar Malapitan ang kautusan na mabahang curfew hours sa lungsod.

Mahabang curfew hours ang ipapatupad sa executive order no. 010-2021 na nilagdaan ni  malapitan, mula alas 12:01 ng madaling araw bukas, Marso 10 ay magiging alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na ng madaling araw ang curfew hours sa lungsod.

Ito ay mula sa dating alas 12 ng hatinggabi hanggang alas 3 ng madaling araw.

Sinabi ni Mayor Malapitan na kinakailangan ang agarang pag-adjust sa curfew hours sa lungsod upang mabawasan at mapigilan ang panganib ng covid-19 transmissions matapos makapagtala ang Department of Health ng mahigit 3,000 virus cases kada araw sa nakalipas na tatlong araw sa lungsod.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.