Maharlika bill, naipadala na ng Senado sa Malakanyang

Maharlika bill, naipadala na ng Senado sa Malakanyang

HANDA na para lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ito ay matapos kumpirmahin ng tanggapan ni Senate President Miguel Zubiri na naipadala na ang panukalang batas sa Office of the President.

Una nang kinumpirma ng Office of the Speaker na nilagdaan na ni Speaker Martin Romualdez at Secretary General Reginald Velasco ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ipinadala ang nasabing kopya sa Senado, Hulyo 3, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter