TINIYAK ni Senador Bong Go na magiging katuwang siya ng iba pang senador sa pagbusisi sa pagsusulong ng Maharlika Fund, oras na maiakyat na ito sa Senado.
Pero sa kabila nito ay kanyang tinitiyak na hindi niya ito pababayaan sa Senado na hindi naiintindihan ang panukala kung saan manggagaling at para saan ang pondo dito.
Matatandaang, mabilis na sumalang at naaprubahan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa suporta ng mayorya ng mga mambabatas.
Naniniwala ang senador na walang masamang intensiyon ang pamahalaan ukol dito, ang sa kanya lang, huwag lang din maaapektuhan ang mga pangunahing programa at proyekto ng pamahalaan na nangangailangan din ng pondo.
Ayon sa impormasyon, maging ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay siniguro na mapag-aaralan ang panukalang batas bago ito tuluyang maisakatuparan.