IBINUNYAG ng political vlogger na si Maharlika sa ika-6 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally ang mga katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tinukoy ni Maharlika ang Pangulong Bongbong Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos na mga kasabwat sa isyu ngayon sa PCSO kasama ang general manager ng ahensiya na si Mel Robles.
Kinuwestiyon din ni Maharlika kung bakit hindi iniimbestigahan ng Kongreso at Senado ang nangyaring 433 winners noong taong 2022 na sabay-sabay na pinanalo na walang binigay na mga pangalan ng mga ito.