NAHARANG ng tropa ng 53rd Infantry Battalion (53IB), katuwang ang kapulisan, ang isang sasakyan na may laman na mga smuggled na sigarilyo na walang kaukulang dokumento habang nagsasagawa sila ng checkpoint operation sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Aabot sa mahigit 600 sigarilyo o katumbas ng nasa mahigit ₱700,000 halaga ng sigarilyo ang kanilang naharang.
Ito ang kinumpirma ng 53rd Infantry Battalion (53IB) ng Philippine Army, base sa impormasyon ang nabanggit na kontrabando ay naharang ng mga sundalo sa Purok Talisay in Lower Landing village, Dumingag, Zamboanga del Sur.
Hindi naman nabanggit ng 53IB kung ilang suspek ang nahuli matapos na madiskubre ang shipment ng ipinuslit na mga sigarilyo.
Sa ngayon ang mga nakumpiskang kontrabando at sasakyang ginamit ay nasa kostudiya na ng Dumingag Municipal Police Station, patuloy naman ang pangako ng 53IB at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office na gagampanan nila ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.