NASA mahigit 1.7 milyon na ang mga bagong botante na naitala ng Commission on Elections (COMELEC) para sa SK at Barangay elections hanggang Hulyo 18 o sa ika-13 araw simula nang buksan ng COMELEC ang voter registration noong Hulyo 4.
Ito ang inihayag ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco kahapon, Hulyo 19.
“As of yesterday, July 18, 2022, the 13th day of registration and with the current new registrants (both for barangay & SK) now in the total of 1,712,315,” pahayag ni Laudiangco.
Dahil dito ay lumagpas na aniya sila sa kanilang initial target na 1M na bagong botante para sa brgy. at SK elections.
Naniniwala ngayon ang COMELEC na sa Hulyo 23, sa huling araw ng voter registration ay makakamit nila ang mahigit na 2M na mga bagong voter registrants.
“Given these latest high turn-out of applicants, we believe that by July 23, 2022, we will be able to reach our secondary/recalibrated total new registrants for both brgy. & SK of 2,067,351,” ani Laudiangco.
Sa kabuuan, ang target projected brgy. voters ng COMELEC kasama na ang bagong botante ay nasa mahigit 66-M habang ang para sa SK elections ay nasa mahigit 23M kasama na ang bagong registrants.
Kabuuang bilang ng mga botante na target ng COMELEC para sa barangay at SK elections ay ang sumusunod:
- Total Projected Barangay Voters (18 y/o and above, including new registrants): 66,053,357;
- Total SK (Katipunan ng Kabataan) Voters (15-30 y/o, including new registrants): 23,059,227
Maliban naman sa new registrations, ay tumatanggap din ang COMELEC ng mga aplikasyon para sa transfer of registration at reactivation.
At hanggang Hulyo 18 ay nasa 2, 256,868 ang kabuuang bilang ng aplikasyon na naproseso ng COMELEC.
Nagpasalamat naman si Laudiangco sa malaking interes ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan sa paglahok sa halalan.
“We thank the Filipino people, especially the youth, for their continuing fervor for our Nation’s democratic processes and keen interest in the elections. We hope that we pursue patriotism in the exercise of our right to suffrage and continue our trust in governmental institutions,” dagdag ni Laudiangco.