Mahigit 1 kilo ng bawal na droga, nakumpiska ng PDEA at BOC sa NAIA

Mahigit 1 kilo ng bawal na droga, nakumpiska ng PDEA at BOC sa NAIA

NAGKAKAHALAGA ng mahigit anim na milyong piso ang bawal na droga na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang nasabing kargamento ay nasabat sa pagtutulungan ng BOC-NAIA at ng PDEA ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG).

Nabatid na galing sa Malaysia ang naturang package na idineklarang pressure cooker.

Ngunit nang inspeksiyunin ay natukoy na bawal na droga o shabu na tumitimbang ng 1,011 grams at nagkakahalaga ng Php6,874,800.00.

Kaugnay nito, sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ipagpapatuloy ng ahensiya ang mahigpit na pagpatutupad ng mga polisiya sa war on drugs ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter