Mahigit 1-M indibidwal, apektado ng matinding init ng panahon—NDRRMC

Mahigit 1-M indibidwal, apektado ng matinding init ng panahon—NDRRMC

UMABOT na sa mahigit isang milyong indibidwal ang lubhang naapektuhan ng matinding init ng panahon.

Base sa huling tala ng NDRRMC, halos 60 bayan ang nagdeklara na ng state of calamity.

Kahit nga nasan ka pa ngayon – tiyak wala kang lusot sa mainit na panahon.

Kaya naman, kaniya-kaniyang diskarte na lang ang ating mga kababayan para kahit papaano’y maibsan man lang ang epekto ng El Niño.

Base sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 8:00am April 19, 2024, umabot na sa mahigit 200 libong pamilya ang lubhang naapektuhan ng El Niño.

Katumbas ‘yan, ng nasa mahigit isang milyong indibidwal na ang pinakamarami ay sa Region 6.

Umabot naman sa limang rehiyon, 20 probinsiya, mahigit 80 siyudad o munisipaliad at nasa mahigit isang libong barangay ang apektado ng matinding init ng panahon.

Halos 60 bayan nagdeklara na ng state of calamity dahil sa El Niño—NDRRMC

Dahil diyan, umabot na sa halos 60 bayan na ang nagdeklara ng state of calamity dulot ng El Niño.

Umabot naman sa halos 30 libong magsasaka at mangingisda ang apektado ang kabuhayan dahil sa init ng panahon habang nasa mahigit 26 na libong ektarya naman ng lupang sakahan naapektuhan ng sobrang init ng panahon.

Sa kabuuan, nasa mahigit isang bilyong pisong halaga na ang naging pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Kaugnay rito, ipinunto ng Office Civil Defense (OCD) ang pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholders at mga lokal na pamahalaan upang tugunan ang epekto ng El Niño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble