Mahigit 100 driving schools sinuspinde ng LTO

Mahigit 100 driving schools sinuspinde ng LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang nasa 107 driving schools sa loob ng dalawang linggo.

Ito’y dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang na ang kawalan ng aktwal na training para sa mga estudyante.

Ang mga suspendidong driving schools ay matatagpuan sa Central Luzon, CALABARZON, at Metro Manila.

Sa ngayon ay pinadalhan na ang mga ito ng show cause orders para maipaliwanag ang kanilang panig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble