Mahigit 100 na kabataan dinukot sa Mozambique

Mahigit 100 na kabataan dinukot sa Mozambique

DINUKOT sa northern Mozambique ang hindi bababa sa 120 bata.

Ayon sa ulat, ginagamit ang mga batang dinukot ng isang teroristang grupo na kilala bilang Al-Shabab upang magbuhat ng mga ninakaw na kagamitan.

Ginagawa rin ang mga ito bilang mga sundalo kahit mga menor de edad.

Matagal nang kinakaharap ng Mozambique ang naturang teroristang grupo.

Sa katunayan, taong 2017 pa nang mag-umpisa ang problema nila hinggil dito.

Noong taong 2020 ay nagsagawa pa ng serye ng mga pag-atake ang mga rebelde.

Dose-dosenang tao kabilang na ang mga bata ang pinugutan ng ulo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble