Mahigit 100 lider ng ZOTO tumiwalag na sa CPP-NPA-NDF

Mahigit 100 lider ng ZOTO tumiwalag na sa CPP-NPA-NDF

MAHIGIT isandaang lider mula sa Zone One Tondo Organization (ZOTO), isang makakaliwang grupo ng CPP-NPA-NDF sa Metro Manila ang pormal na sumuko sa pamahalaan ngayong hapon.

Sa pamamagitan ng pagsusunog ng kanilang watawat ay tuluyan na silang tumiwalag sa CPP-NPA-NDF.

Kasabay naman nito ay ang panunumpa ng allegiance sa pamahalaan.

Ayon kay ZOTO President Lydia Tablate Calipos, pagod na sila sa ginagawang pag rarally para kay Joma dahil wala naman itong pakinabang na ibinibigay sa kanila.

Ang aktibidad ng pagsuko ng mga rebelde ngayong araw ay pinangunahan ng Joint Task Force NCR at PNP-NCRPO.

Follow SMNI NEWS in Twitter