DARATING ngayong linggo ang nasa 131 na overseas Filipino workers (OFWs) mula Lebanon.
Ang mga ito ay kabilang sa mga apektado ng kaguluhan doon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Agad silang makakatanggap ng financial at airport assistance mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa pagdating nila, aabot na sa 1,569 OFWs at 68 dependents ang kabuuang nakauwi sa bansa.