Mahigit 100 Pinoy scholars ng isang Korean foundation, nagpaabot ng pasasalamat sa libreng edukasyon

Mahigit 100 Pinoy scholars ng isang Korean foundation, nagpaabot ng pasasalamat sa libreng edukasyon

SINA Angelo at Gwen ay dalawa lamang sa daan-daang Pinoy scholars ng Always With Us Foundation, isang Korean Institution na nakabase dito sa Pilipinas.

At sa ginanap na AWU Scholarship Night sa Makati, personal silang nagpasalamat sa malaking tulong ng AWU sa kanilang buhay hanggang sa unti-unti nilang pag-abot ng kanilang pangarap.

Anila, sa kabila ng pagkakaiba ng kulay at bansa, napili sila para sa isang libreng pag-aaral at hindi lang sa pinansiyal na aspeto nakatutulong ang nasabing Korean Foundation kundi sa paghubog sa kanilang mga galing at talento sa iba’t ibang larangan.

Mula sa isang maliit na bilang ng mga benepisyaryo ng AWU, lumawak na ito mula sa Metro Manila hanggang sa iba’t ibang panig ng bansa para itaguyod ang isang de-kalidad na edukasyon para sa mga bata, maayos at disenteng tahanan at responsableng paghahanapbuhay.

“Our foundations name is Always With Us because, we want to be always with the people,’’  ayon kay Lee Seung-Chan Chairman, AWU Foundation.

“Our scholarship program does not end by just giving scholarship to the students, we create this kind of meetings and events so that they can meet each other, help each other especially care for the younger generations of scholars to help each other and eventually bring a big impact to the society,” aniya.

Samantala, opisyal nang isinapubliko ng Always With Us (AWU) Foundation Scholars ng bansang Korea sa Pilipinas ang kanilang Facebook Group.

Ayon sa Foundation, magsisilbing opisyal na portal ito sa mga makabuluhang talakayan, katanungan at pagbabahagi ng mga impormasyon, mga natutunan ng mga estudyante sa kani-kanilang napiling larangan o interes sa buhay.

Nais ding ipakita sa page na ito ang mga nagpapatuloy na programa ng AWU Foundation sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino gaya ng libreng pag-aaral at financial assistance sa mga benepisyaryo nito.

Samantala, masaya namang nakatanggap ng regalo ang mga iskolar ng AWU Foundation sa ginanap na AWU Scholarship Night.

“Last year we gave about hundred students for scholarships. This year we gave more than 200 students. Next year maybe 300-500 students,’’ wika ni Mr. Lee Seung-Chan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter