TULUY-tuloy ang pagbibigay ng pamahalaan ng proteksyon kontra COVID-19 maging sa persons deprived of liberty (PDLs).
Sa ulat na isinumite ng BuCor kay DOJ Secretary Boying Remulla, nasa sampung libong mga PDLs ang pinaturukan ng booster shot.
Sa Report, 750 PDLs ang binakunahan sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Central Compound sa Occidental Mindoro.
Mayorya sa mga binakunahan doon ay nakatanggap ng first at second dose ng booster shot ng Pfizer at Sinovac.
Sa New Bilibid Prison Maximum Compound, 9, 877 ang nabigyan ng booster gamit ang Sinovac at AstraZeneca vaccines.
Ang naging kaagapay ng BuCor sa naturang bakunahan ay ang Muntinlupa City LGU at DOH sa ilalim ng PinasLakas campaign.
Samantala, inireport din ng DOJ na 612 na mga PDLs ang pinalaya na noong buwan ng Agosto.
237 dito ay nabigyan ng parole, 256 ay dahil sa expiration ng kanilang sentensya, 102 ang acquitted habang 14 ang pinalaya sa probation at ang dalawa naman ay nakalaya alinsunod sa RA Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.