Mahigit 100k na miyembro ng Pag-IBIG Fund, nakapag-avail ng home loan program

Mahigit 100k na miyembro ng Pag-IBIG Fund, nakapag-avail ng home loan program

MAHIGIT 105,212 na miyembro ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) Fund ang nakapag-avail ng home loan program nito para sa taong 2022.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, na siya ring namumuno sa 11-miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Na napakagandang balita ito dahil habang tumataas ang halaga ng mga pautang sa bahay na inilalabas, tumataas din ang bilang ng mga Pilipinong mayroon na ngayong sariling bahay.

Samantala ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ay isang flagship program ni Marcos na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan sa pabahay ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng 1 milyong bahay bawat taon para sa susunod na 6 na taon.

 

Follow SMNI News on Twitter