Mahigit 105-M SIM card, rehistrado na—DICT

Mahigit 105-M SIM card, rehistrado na—DICT

MAHIGIT 105 milyong SIM card ang nairehistro na sa gobyerno.

Ayon sa Department of Information and Communication Technology (DICT), mayroon nang 105,260,340 SIM cards ang nakarehistro sa kanila, kabilang ang 48,019,084 mula sa Globe, 49,740,428 mula sa Smart, at 7,500,828 mula sa DITO.

Sinabi ng DICT na ang mga hindi nakarehistrong SIM ay awtomatikong made-deactivate pagkatapos ng deadline.

Samantala, dagdag pa ng DICT na ang panahon ng pagparerehistro ng SIM ay magtatapos ngayong araw Hulyo 25, 2023 at wala nang extension sa deadline.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter