Mahigit 110K ACMs, kumpleto nang nai-deliver ng Miru—COMELEC

Mahigit 110K ACMs, kumpleto nang nai-deliver ng Miru—COMELEC

KUMPLETO nang naipadala ng Miru Systems mula South Korea ang mahigit 110K (110,620) Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin para sa 2025 midterm elections.

Kasunod ito sa pagdating ng mahigit 9.8K (9,860) na ACMs sa Commission on Elections (COMELEC) nitong Miyerkules, Nobyembre 27, 2024.

Nagpadala na rin ang Miru ng 600 ACMs bilang backup o extra at wala itong karagdagang bayad.

Nagpasalamat ang COMELEC na maaga nai-deliver ang ACMs para maaga rin nila maisagawa ang kinakailangang tests dito bilang paghahanda sa eleksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble