MAHIGIT 1,200 (1,239) na mga lugar sa bansa ang itinuturing na election hotspots kaugnay sa magiging midterm election ngayong taon.
38 rito na madalas makikita sa Mindanao ay nasa ilalim ng Red Category at pinakamahigpit itong babantayan ng mga awtoridad.
177 naman na karamihan ay matatagpuan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nasa ilalim ng Orange Category; at 188 naman na lugar na karamihan sa Zamboanga Peninsula ang nasa Yellow Category.