Mahigit 1,200 nasawi mula sa 7.2-magnitude na lindol sa Haiti

Mahigit 1,200 nasawi mula sa 7.2-magnitude na lindol sa Haiti

UMABOT na sa 1,297 katao ang nasawi mula sa 7.2-magnitude na lindol na tumama sa bansang Haiti.

Dahil dito ay nagdeklara ang Haitian government ng state of emergency ayon sa civil protection agency ng bansa.

Sa mahigit 1,200 nasawi, nasa 1,054 ang nasa South administrative region, 119 sa Grand’Anse, 122 sa Nippe at dalawa sa Northwest region.

Sinira ng nasabing lindol ang 13,694 na mga kabahayan sa Western Department, Southern Department, Nippes at Grand’Anse.

Nangyari ang sakuna umaga ng Agosto 15 (oras sa lugar) na may lalim na 10 kilometro habang ang epicenter ay matatagpuan sa 12 kilometero sa hilagang silangan ng Saint-Louis-du-Sud sa timog kanlurang bahagi ng bansa.

Matatandaan na tinamaan din ang Haiti ng 7.0 magnitude na lindol noong 2010 na ikinasawi ng tinatayang 220,000 hanggang 300,000 katao.

Dagdag nito, malamang makararanas din ang Haiti ng malakas na hangin at pag-ulan mula sa Tropical Storm na mangyayari ngayong Lunes hanggang Martes.

Kasalukuyang nasa tropical storm watch ang Haiti na posibleng papasok sa loob ng 48 oras ayon sa National Hurricane Center.

Inaasahang magbibigay ng baha at mudslide ang malakas na pag-ulan na maaaring magpapalala sa recovery efforts ng lugar.

BASAHIN: Venezuelan businessman, isa sa nasa likod ng pagpatay sa Pangulo ng Haiti

SMNI NEWS