Mahigit 135,618 mt ng imported na asukal ang dumating na –SRA

Mahigit 135,618 mt ng imported na asukal ang dumating na –SRA

DUMATING na ang mahigit 135,618 metric tons mula sa 150,000 mt imported sugar allocation sa bansa.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Board Member at Planters’ Representative Pablo Luis Azcona, sa kabuuang imported na asukal pinahintulutan sa ilalim ng Sugar Order (SO) 2, hindi bababa sa 70,717 mt ang inilaan para sa mga mamimili at 64,901.7 mt para sa industriyal na paggamit ang pumasok sa bansa simula noong Nobyembre 6, 2022.

Ani Azcona sa ilalim ng Sugar Order 2, 75,000 mt ng imported na asukal dapat ilaan sa mga industrial users tulad ng mga soft drinks manufacturer, habang 75,000 mt naman ng sweetener ang mapupunta sa mga wet market.

Dagdag pa ni Azcona, iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa SRA na tiyakin ang pagdating ng lahat ng mga imported na sweetener sa o bago ang Nobyembre 15, 2022.

Samantala nasa 14,382 mt pa lamang ng imported na asukal ang hindi pa nakararating sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter